Posts tagged "tagalog"
"You haven’t seen your grades, you’re not yet off the hook."
note para sa mga gagraduate

(wag muna kasi tayo pakampante!) 

Nagsisisi ako na hindi ko pinahalagahan ang oras ng pagtulog nung bata pa ako. Ayan tuloy, naghahabol ako ng pagkakataon para magkaroon ng oras sa pagtulog ngayong tumanda na ako.

(Source: eriannmeri)

Nagsusuot ako ng antipara (salamin sa mata) para luminaw ang paningin.

Bakit ang ibang opisyales sa gobyerno, may suot din namang antipara pero hindi nila makita-kita ang sagot sa problema ng bansa?

Superlatives

Okay lang na mawala ka.. sabi nga nila, may higit pang dadating.. It means someone “better” than you.

O di ba, andrama ng linya? hehe.

Kapag sinabihan ka ng ganyang linya, does that mean you’re just ‘good’ and the ‘better’ will come to replace you?

What if you had the best at narinig mo ang linyang yan? Anong maiisip mo?

Para sakin, pinagmumukha kang bobo nung linya pati nang kung sinuman ang nagsabi nun. You had the best but then you’re choosing someone better. Di ba antanga?

MEDIOCRITY. Ang hilig ng karamihan sa ganyan. They settle for something big when they can have the biggest. They settle for something good when they can have something great.

Minsan, parang may saltik talaga mga tao noh?

Yung taong text, chat o tweet lang alam na gawin sa paghingi ng sorry ay dapat tawaging DUWAG.

Duwag, dahil hindi mo kayang harapin ang taong may conflict sayo.

Duwag ka dahil hindi mo maatim na mapuntahan, makita, at makausap ng harapan ang kaaway mo.

Kahit tadtarin mo ng emoticons ang text, chat o tweet mo, hindi pa rin mararamdaman ng kausap mo ang sincerity mo.

Duwag ka dahil technology na lang ang alam mong paraan para humingi ng tawad.

Duwag ka dahil hindi mo na alam ang kahalagahan ng marinig ang pagsabi mo ng ‘sorry’ at makita ang ekspresyon ng mukha mo habang sinasabi mo ang salitang iyon.

Oo, duwag ka! Dahil sayo, naging walang kwenta ang paghingi ng tawad o sorry sa paraang alam mo.

Asan na ba ang tapang mo? Hindi lang naman sorry ang gusto niyang marinig, gusto ka rin niyang makita.

Humingi ka pa ng tawad kung wala ka namang balak sabihin ito ng harapan. Binalewala mo lang ang essence ng pagsosorry.

Di ka lang duwag, mababaw ka pa. Takot kang marinig ang negatibong komentong pwede niyang sabihin sayo. Takot kang makita siyang umiyak. Mababaw ka mag-isip dahil hindi mo alam na nailabas niya ang sakit na nararamdaman niya sa sinabi niyang yun.

May pag-asa ka pang alisin ang karuwagan mo. Matapang ka kung kaya mong harapin ang problema mo. Hindi ka takot sa mga mangyayari dahil ginawa mo yun para humingi ng tawad at matanggap kang muli na para bang wala kang nagawang mali.

(Source: eriannmeri)

Mas happy ka with your BF?

Kapag umiiyak ka, sino ba nasa tabi mo.. di ba si BFF?

(Source: eriannmeri)

"Pag iniwan ka ng isang tao, wag kang malungkot. Isipin mo, pag napunta siya sa taong hindi siya mahal, di ba siya rin yung kawawa? You’re not the loser, you’re the lover. Lover, kasi mahal mo siya."
— A quote from my Philosophy professor
"Hindi lahat ng nakikita mo ay tama at hindi rin lahat ng hindi mo nakikita ay mali."
— Alianne Marie Tango

(Source: eriannmeri)

Masarap alagaan ang isang RELASYON na kahit alam ninyong hindi PERPEKTO.

Pero ramdam ninyo sa isat-isa ang pagiging KUNTENTO.

(Source: beben-eleben)

WANTED: Best friend?

“Ako ay parang 7-11 para sa mga kaibigan ko, bukas 24/7.”

Ganun ka nga sa kanila, pero ganun din ba sila para sayo?

Sa totoo lang, madalas unfair talaga ang buhay e. Kahit yung mga taong akala mo na masasandalan mo in times of sadness, trouble o kahit para lang may mapagsabihan ng problema. Hindi sa lahat ng oras, ready sila para tulungan ka.

Bakit tayo naghahanap ng karamay? Dahil sila ang tumutulong satin sa paghahanap ng solusyon o kaya naman sumusuporta sa gagawin nating desisyon. Kung tutuusin, tayo ang nagdedesisyon para sa sarili natin.

Meron kang mga kaibigan, best friend, boyfriend, kapamaliya, kamag-anak.. name it. Kung wala sila kapag kailagan na kailangan mo sila, paano ka na? Hahandusay ka na lamang ba sa daan? Mag-iiyak hanggang sa dugo na ang luha mo? Magpakamatay? Hindi naman sa lahat ng oras, may superhero na tumutulong satin kapag may problema tayo. Isa lang ang siguradong makakatulong, ang mga sarili natin mismo. Siguro yun din ang lesson na natutunan ko. Wag tayong pakampante na may masasandalan tayo palagi.

(Source: eriannmeri)

LAMBING

Boys, wag kayong magulat o mainis kung madrama kaming mga girls..

Sa totoo lang, kaya kami nagdadrama, gusto lang namin na suyuin niyo kami. Isa yun sa way ng paghahanap namin ng lambing sa inyo.

Kahit naman madrama kami, simpleng paglambing niyo lang samin napapangiti na kami. Magsusungit man kami sa inyo minsan, pag nagpatawa na kayo bigla kami matatawa. Minsan nga pinipigilan pa namin tumawa kahit tawang tawa na kami, corny man ang joke niyo.

Gusto lang naman talaga namin eh mapansin niyo kami kaya ganun.. 

(Source: eriannmeri)

Yakap

Kanina, malamig ang panahon dahil sa lakas ng ulan.. Nakakatamad bumagon. Parang ang sarap lang mahiga sa kama buong araw. Pero nakakapagtaka, bigla akong napabangon ng walang dahilan tapos dumerecho ako sa pintuan.

Hindi ko inaasahan na makikita kita. Sinorpresa mo ako. Akala ko mag-aantay pa ako ng matagal para makita ka ulit. Pero dumating ka. Kahit wala namang espesyal sa araw na to. Sinabi mo, “gusto kasi kitang makita..

Kanina, pinapanood kitang matulog. Alam kong pagod ka dahil galing ka sa trabaho. Ayokong maudlot ang pagtulog mo kaya tahimik kitang pinagmamasdan. Natawa pa nga ako nung narinig kitang nagsasalita habang natutulog. Sabi mo, “naalala mo yung may vampire?” Ano kaya ang pinapanaginipan mo?

Habang natutulog ka, naisipan kong mangialam ng gamit mo. Out of curiosity, binuksan ko ang facebook mo. Ni wala akong ideya na may mababasa ako na magpapaiyak sakin.

Bakit? Yun ang unang tanong na pumasok sa isip ko pagkatapos mabasa ang chat niyong dalawa.

Sinara ko ang laptop. Humiga ako sa tabi mo at pinagmasdan ka ulit. Hanggang sa mga oras na yun, tumatakbo pa rin sa isip ko ang mga nabasa ko..

Nagising ka bigla. Pagmulat ng mata mo, nakita ko rin ang ngiti sa mga labi mo.

Sabi mo, “Hi.. Oh, nandyan ka pala. Kanina pa ba ako natutulog?

Sagot ko, “Oo.. kanina pa.

Eh anong ginagawa mo kanina nung natutulog ako?”, tanong niya

Wala naman..”, malungkot na sagot ko.

So pinapanood mo lang pala akong matulog ah? Halika nga dito, payakap nga..” Nakangiti ka ng sinabi mo yan.

Lumapit ako sayo, niyakap mo ako ng mahigpit. Matagal na natin yung hindi nagawa.. yung nakayakap sa isa’t isa habang nakahiga. Niyakap kita pabalik kahit pa may bumabagabag sa isip ko. Magkayap na tayo. Masarap sa pakiramdam. Nakakakilig. Pero hindi ko mapigilang mapaiyak. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko.

Oh.. ba’t parang kakaiba ka ata huminga? Okay ka lang?”, tanong mo.

Hindi ako sumagot. Tuloy tuloy na ang pag-tulo ng luha ko. Tumingin ka sakin. Nakita mo na umiiyak ako.

Bakit ka umiiyak? Anong problema? May masakit ba sayo?

Hindi pa rin ako makasagot. Sa sobrang pagpipigil ng pag-iyak, narinig mo ang biglang paghagulgol ko. Patuloy ka pa rin sa pagtanong kung ano ang problema ko. Hindi kita sinagot ng maayos. Ang nasabi ko lang ng paulit ulit ay “wala..

Is it because of me?

Nang narinig ko yun sayo, lalo akong napaiyak. Ang sakit. Di ko na talaga mapigilan ang luha ko. Niyakap mo ako ulit at hinalikan mo ako sa pisngi.

Nagseselos ka? Ano?

Hindi. Eh ba’t mo naman yun nasabi? Kanino naman ako magseselos?”, sagot ko.

Ang totoo, nagseselos ako. Sobra. Sa higit na dalawang taon na magkarelasyon kami, ngayon lang ako nagselos ng ganito. Akala ko habang tumatagal ang relasyon, mas nababawasan ang pagseselos. Pero hindi pala. Higit na dalawang taon, ngayon lang ako nagselos ng sobra.

Niyakap kita ng mahigpit. Naamoy ko ang pabango mo. Yung amoy na gustong gusto kong amuyin. Hinalikan din kita sa pisngi. Ayokong bumitaw sayo.

Ikaw kasi eh..

Ano ba kasi yung dahilan? Sabihin mo na habang nasa mood pa ako. Sige ka, pag di mo sinabi kikilitiin kita..

Edi kilitiin mo. Bahala ka dyan.

Ah ganun.. Sige!” (Kiniliti nga niya ako. Hindi ko mapigilang matawa dahil malakas ang kiliti ko.)

Ikaw kasi eh!

Ano kasalan ko? Di ko nga alam ginawa ko eh..

Basta. hmm.. wala.

Kahit ayaw kong sabihin sayo kung ba’t ako umiiyak, napilit mo pa rin ako. Pinupunasan mo ang luha ko habang nagkekwento sayo.

After more than 2 years, ngayon ka lang nagselos ng ganyan.. Wushuuuu.. Wala yun. Yun yung nali-link sakin sa work eh. Wag mo pansinin yun. Ikaw lang love ko noh.” (sabay halik sa pisngi ko)

Di nga? Ang bad mo e!

Hmf! nagseselos o! Atey, I love you..

Matagal na panahon na rin pala nung huli nating gawin to. Magkayakap tayo habang nakahiga. Nakakakilig. Masarap sa pakiramdam. Yung pakiramdam na mahal mo nga ako. Mahal mo ako kahit pa masakit para sakin yung nabasa ko. Iniisip ko na hindi mo naman talaga seseryosohin yung sinabi mo sa kanya. Sabi mo mahal mo ako habang nakayakap ka sakin.

Koya.. I love you too.

(Source: eriannmeri)

Minsan sa pagiging sobrang friendly mo, naiiba na pala ang pagtingin ng tao sayo.

(Source: eriannmeri)

Hindi uso ang pagtulog sa mga taong nagka-cram.

(Source: eriannmeri)