Posts tagged "blog"

Yung taong text, chat o tweet lang alam na gawin sa paghingi ng sorry ay dapat tawaging DUWAG.

Duwag, dahil hindi mo kayang harapin ang taong may conflict sayo.

Duwag ka dahil hindi mo maatim na mapuntahan, makita, at makausap ng harapan ang kaaway mo.

Kahit tadtarin mo ng emoticons ang text, chat o tweet mo, hindi pa rin mararamdaman ng kausap mo ang sincerity mo.

Duwag ka dahil technology na lang ang alam mong paraan para humingi ng tawad.

Duwag ka dahil hindi mo na alam ang kahalagahan ng marinig ang pagsabi mo ng ‘sorry’ at makita ang ekspresyon ng mukha mo habang sinasabi mo ang salitang iyon.

Oo, duwag ka! Dahil sayo, naging walang kwenta ang paghingi ng tawad o sorry sa paraang alam mo.

Asan na ba ang tapang mo? Hindi lang naman sorry ang gusto niyang marinig, gusto ka rin niyang makita.

Humingi ka pa ng tawad kung wala ka namang balak sabihin ito ng harapan. Binalewala mo lang ang essence ng pagsosorry.

Di ka lang duwag, mababaw ka pa. Takot kang marinig ang negatibong komentong pwede niyang sabihin sayo. Takot kang makita siyang umiyak. Mababaw ka mag-isip dahil hindi mo alam na nailabas niya ang sakit na nararamdaman niya sa sinabi niyang yun.

May pag-asa ka pang alisin ang karuwagan mo. Matapang ka kung kaya mong harapin ang problema mo. Hindi ka takot sa mga mangyayari dahil ginawa mo yun para humingi ng tawad at matanggap kang muli na para bang wala kang nagawang mali.

(Source: eriannmeri)

LAMBING

Boys, wag kayong magulat o mainis kung madrama kaming mga girls..

Sa totoo lang, kaya kami nagdadrama, gusto lang namin na suyuin niyo kami. Isa yun sa way ng paghahanap namin ng lambing sa inyo.

Kahit naman madrama kami, simpleng paglambing niyo lang samin napapangiti na kami. Magsusungit man kami sa inyo minsan, pag nagpatawa na kayo bigla kami matatawa. Minsan nga pinipigilan pa namin tumawa kahit tawang tawa na kami, corny man ang joke niyo.

Gusto lang naman talaga namin eh mapansin niyo kami kaya ganun.. 

(Source: eriannmeri)

DO YOU ACCEPT AN APOLOGY?

People who are not used in getting into fights, sometimes tend to accept apologies easily even if they don’t feel the sincerity of the apology given to them.

You might ask why? Some people wants a peaceful life with no worries, no hard feelings and no stress because of petty fights. They tried to accept apologies even if half of their minds might have doubts on sincerity.

Saying sorry became an escape goat for all of us. Saying sorry can stop the commotion but not the negative feelings you might have felt during a quarrel, a conflict, or a petty word fight. Saying sorry doesn’t mean you won’t do the same thing again. It doesn’t mean you can’t redo the things you have done or say bad things you have said that hurt the feelings of the other.

Sometimes, we take apologies for granted. We frequently use the word and not minding the value of it. Some people become so apologetic that even in a slight mistake they’ve done, they have the urge to say an apology.

Apologies sometimes feels like just a formal word. If someone says sorry, there’s a need to stop a certain conflict. It’s a way to end up a dispute but it doesn’t really end up disappointments.

(Source: eriannmeri)

Anti-Planking daw?

Hindi man ako natutuwa sa mga nakikita kong overrated na pagpa-planking, tingin ko hindi pa rin risonable ang paggawa ng Anti-Planking Act of 2011.

Ano ba ang naisip ni Winston “Winnie” Castelo at naisipan niyang gumawa ng ganung bill? Yayaman ba ang mga taong naghihirap dahil sa bill na yan? Hindi na ba gugutumin ang mga walang makain dahil wala ng magpa-planking? Matatapos na ba ang giyera dahil sa pagpapasa lamang ng ganyang klaseng polisiya?

Yung anti-planking, napakadaling nagawan ng bill. Eh ba’t yung graft and corruption ayaw nila pigilan? Seriously, ano na ba talaga naiisip ng mga pulitiko ng Pilipinas at ba’t nagiging mababaw na ang mga naiisip nilang batas?

Gusto siguro nila, “let’s plank on the couch, not on the streets!

(Source: eriannmeri)

Meet my favorite Taho vendor..

Simula nung bata ako (around 5 or 7 years old), siya na yung naglalako ng taho dito sa lugar namin. Kapag naririnig ko na yung “TAHOOOOOOOOO!”, kakaripas ako ng takbo para humingi ng barya. Naeexcite ako pag nakikita siya, makakain na kasi ako ulit ng masarap na soy pudding na may matamis na arnibal pag bumili ako. Paborito ko kasi yun e.

Kanina, bumili ulit ako ng Taho kay manong. Twenty years old na nga pala ako ngayon. Para bang may flashback sa pagkabata ko kapag nakikita ko siya. Kahit sa simpleng baso ng taho, sumasaya na ako. :)

(Source: eriannmeri)

CURIOSITY

“What you don’t know doesn’t hurt you”
-para sakin, totoo nga ang kasabihan na yan.

Simula nung bata ako, mahilig na akong magtanong. I even find ways to answer the questions kung walang makapagsabi sakin ng sagot sa tanong ko.

Hindi na iba para sa tao ang ma-curious. Maliit na part lang ng utak ang sakop ng curiosity, pero pag na-trigger na yun panigurado iba ang epekto sa tao. Kaya ka ngang hindi patulugin ng curiosity.

Curiosity killed the cat. Isa itong kasabihan na ginagamit para pagbawalan o i-warning ang isang tao tungkol sa isang bagay na gagawin niya (i.e: experimentation, investigation). Ayon sa nabasa kong meaning ng phrase na ito ay “satisfaction brought it back”.

Curiosity can lead to big ideas, discoveries and innovations. Dahil curious ang mga imbentor ng mga kung anu anong bagay, nakagawa sila ng bagong kaalaman.

Curiosity can lead to heartaches. Sa relationship, minsan nagiging malaking factor ito. Dahil sa curiosity, nagkakaroon ng trust issues, nagkakaroon ng doubts.

Curiosity may lead you to see truth or lies. Minsan, sa pagiging “knowsy” natin, tayo lang din ang nasasaktan. May mga taong nagsasabi na, “okay lang masaktan, at least alam ko at hindi ako nagpakatanga..”

Isa ka rin ba sa mga curious na tao?

(Source: eriannmeri)

Weather-weather lang

Minsan, nawiwirduhan talaga ako sa pagsuspende ng Pag-asa, DepEd at CHEd ng pasok tuwing may bagyo.

Bakit kapag sobrang lakas ng ulan, napaka-late magbigay ng announcement for suspension ang mga nasabing organisasyon? Kaligtasan at kapakanan naman ng mga mag-aaral ang nakasalalay sa mga announcement na ibibigay nila pero bakit ganun na lang kabagal?

Sige, sabihin na natin na maaga nga nagsabi ng suspension.. pero pag tiningnan mo ang itsura ng paligid, walang malakas na ulan, walang malakas na hangin at higit sa lahat, mukhang aaraw na—tulad na lang ng araw ngayon.

Isa sa mga kinababahala ng mga estudyante sa kolehiyo ay kung isususpende rin ba ang klase nila kapag may bagyo. Kapag tumuntong ka na sa kolehiyo, may term na sinasabing waterproof. Hindi naman tayo mga robot at wala naman tayong built-in salbabida sa katawan para sabihing waterproof ang mga mag-aaral sa kolehiyo.

Sa pagbibigay pa lang ng announcements, mahahalata na Pilipino nga talaga ang sistema. Parang konsepto ng Filipino Time. Mabagal, late at para bang hindi alintana ang mabilis na takbo ng oras.

Ang panahon ay pabago-bago. Tayo kaya, may pagbabago rin?

(Source: eriannmeri)

“Ang haba naman ng pila!”

Yan ang kadalasan nating dinadaing o sinasabi kapag pumipila tayo sa mga opisina, paaralan at at iba pang pampublikong lugar. Kahit nga sa palikuran, pumipila pa tayo. Kahit sasabog na ang pantog mo, kailangan mo pang mag-antay.

Pwede nating ihalintulad ang pag-pila sa kalagayan ng bansa natin.

Mabagal at makupad. Yan ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mahabang pila. Mabagal at makupad na serbisyo, mabagal at makupad na pag-usad ng mga tao. Mabagal at makupad na pag-unlad ng bansa.

Sa pag-pila mo, marami ka ring mapapansin. Nandyan yung gustong mapadali ang buhay sa pamamagitan ng pagsingit (walang disiplina); nandyan yung maagang pumipila na kulang na lang ay maglagay ng masisilungan sa pwesto niya wag lang maunahan (maagap); at nandyan rin ang mga naghihintay lang na gumalaw ang pila para makarating sa pupuntahan.

Pipila at mag-aantay pa ba tayo ng matagal sa pag-unlad ng Pinas?

(Source: eriannmeri)

Ang Pinoy na mamimili

Dahil feeling ko ma-pera ako kanina, napagastos na naman ako sa pagbili ng kung anu ano, tulad ng:

  • Angry birds bag

-dahil usong uso ang angry birds, napabili rin tuloy ako ng item na ganun ang itsura. mura lang naman eh, worth P380 na natawaran ko pa ng P330. :))

  • Shoes

-kahit na kakabili ko lang ng shoes two weeks ago, napabili na naman ako ng sapatos dahil ang cool ng kulay. First ever orange shoes ko yan. hehe! P160 lang, sobrang mura kasi sale dun sa pinagbilhan ko.

  • Slippers

-gagamitin ko lang yan sa loob ng bahay. nagkakaubusan kasi ng masusuot na tsinelas dito eh. P50 lang yan.

Pag-usapan naman natin ang pagiging nasyonalista ng mga Pinoy sa post na ito.

Hindi ako laging bumibili ng imported na produkto. Pero sa totoo lang, yung mga nabibili natin sa ukay-ukay at tiangge ay imported. Madalas galing sa China, Hongkong, Korea, Thailand at iba pang bansa.

Tingin ko naman kahit sa ukay pa man o tiangge mo bibilhin yung isang bagay, kung bagay naman sayo eh magmumukha pa rin yung mamahalin. May mga ibang tao kasi na bili nga ng bili ng branded o imported, hindi naman bagay sa kanila yung damit o kung anumang apparel.

Marami ang nagsasabi na pag imported, matibay. May mga bagay naman na kapag mura, madaling masira. Sinasabi nating mga Pinoy yung term na “China made” sa mga produktong low class.

May mangilan ngilang podukto pa rin na kahit mura ay matibay. Tingnan niyo na lang yung mga sapatos na gawa at galing sa Marikina. Tinatawag natin na ‘lokal’ lang yun pero ang totoo, yun yung kalse ng matibay na sapatos. Iniisip kasi ng karamihan na cheap kapag gawang Pinas lang ang bibilhing damit o sapatos.

Gagastos ka pa ba ng ilang libo para lang sa stateside na sapatos o damit? May Crab Mentality kasi tayong mga pinoy kaya ganun na lamang tayo kung makapag-isip.

(Source: eriannmeri)

My humps, my humps, my humps.. check it out!

Sa panahon ngayon, uso na ang ang mga picture na kahali-halina.

(photo not mine)

Kung dati, kinukuhanan ng litrato ang mga tao nang nakasuot ng makakapal (at patong patong) na damit. Ngayon, panipisan at paiksian ng damit ang labanan. Uso na raw yung nagpapakita ng kaunting portion ng katawan.

Karamihan na ng nakikita nating profile picture (sa facebook o iba mang social networking sites) ay kita ang cleavage. Bakit nga ba nila ginagawa ito? Ang mga taong ganun ba ay kayang magpakita ng parte ng katawan nila para lang makakuha ng atensyon?

Malaswa sa paningin ng ilan, nakaka-turn on naman para sa iba.

Kung tutuusin, hindi na rin ito bago dahil ang mga ninuno natin ay naka-bahag lang. Si Adam at Eve naman ay walang saplot nung nilkha ng Diyos. Hindi natin masisisi ang ilan na natutuwa makakita ng ganitong larawan. Hindi man natin aminin pero may pagka-voyeuristic tayong mga tao.

(Source: eriannmeri)

Ano ang ibig sabihin ng BOCHA?

Sa pagkakaalam ng karamihan, ang ibig sabihin raw ng BOCHA ay double dead na karne.

Kanina, sabi ng prof ko sa statistics, hindi raw yun ang meaning ng Bocha. Hinango raw sa 2 chinese words ang Bocha:

  • Bo means No
  • Cha means Eat

Kapag Bocha ang sinabi, ibig sabihin daw nun ay “wag kainin”. Dapat nga namang wag kainin ang ganung klaseng karne dahil masama ang dulot nito sa kalusugan natin.

Nakakapagtaka na tinawag na Bofish ang isdang kasali sa na-fish kill. Kung ang ibig sabihin ng Bo ay No (english) o Hindi (tagalog) at ang fish ay isda, parang ang pangit namang pakinggan kung itrinanslate ito na “hindi isda”.

(Source: eriannmeri)

Paano mo maidedescribe ang blog mo?

Para sakin, kung ihahalintulad sa ulam ang description ng blog ko, masasabi ko na para itong CHOPSUEY. May sabaw at halo-halong recados, pero masustansiya.

  • May malaman tulad ng karneng baboy sa chopsuey.. Kumbaga, may punto.
  • May sabaw na tulad ng ibang posts ko na parang walang katuturan dahil nagkekwento lang. As in sabaw state of mind..
  • May gulay tulad ng iba kong posts na kapupulutan mo ng aral kung babasahin mong mabuti. Masustansiya para sa utak ang gulay di ba?

Gutom lang siguro ako.. pagkain na naman nasa isip ko eh.

Kung ano raw ang puno, siya rin ang bunga.

Di ko talaga alam kung sino kamukha ko. Nagmana nga ba talaga ako sa nanay o tatay ko?

Eto mommy ko. Lalo tumaba eh. Hiyang sa pagkain sa abroad. lels. hahahaha!

Eto naman yung pasaway kong daddy. Nagpapicture kasama yung alaga naming pusa. Wala akong makitang maayos na picture eh. Di ko nga alam kung napicturan ko na ba siya ng maayos.

At syempre, eto naman ako. (sorry sa eyebags, eh anlaki kasi. hehe!)
Ang unang bunga. Panganay nga pero di man lang tumangkad. May height na wag mo na lang tanungin kung ano measurement.

Siguro hybrid ako ng nanay at tatay ko. Kulot buhok ko, nakuha ko raw sa tatay ko, pero parang di naman siya masyadong kulot. Singkit na mata galing sa nanay ko at dahil din siguro may lahi silang chinese pareho, pero maliit na porsyento na lang. Complexion? di naman ako sobrang itim at sobrang puti. Katamtaman lang daw, morena ba tawag dun?

Kung ano man nakuha ko sa itsura nilang dalawa, dadalhin ko na yun hanggang sa pagtanda ko. Kapag nagkaanak kaya ako sa future, magiging kamukha ko din kaya? Depende na lang siguro sa chromosomes namin ng magiging asawa ko. Ano man itsura, basta mahalaga healthy at lalaking normal ang magiging baby ko sa far future! Ayoko pa ng near future. Enjoyin muna ang single status. Mag-aral, magtatrabaho at magpapayaman muna ako. :))

(Source: eriannmeri)

LOVELESS ka nga ba?

Pag tinanong ka kung kamusta ang lovelife mo, hindi mo kailangang sabihin na,
    “Masaklap kasi wala akong boyfriend/girlfriend sa ngayon eh..”
o kaya naman,
    “kakabreak lang namin ng ex ko..”

Hindi porket lovelife ang tinatanong ay LOVELESS ka na.

Sa totoo lang, maraming tao ang nagmamahal sayo. Nandyan ang pamilya mo at meron ka ring mga kaibigan na sumusuporta sayo.

Ang pagiging heart-broken ay pinagdadaanan ng (halos) lahat ng tao. Lahat ng tao ay nagmamahal at may tsansang masaktan. May kasabihan nga na magkakambal raw ang saya at lungkot.

Hindi ka loveless kung iniisip mo na wala kang karelasyon. Ang relasyon ay hindi lamang para sa magkasintahan. Ito ay general term para sa dalawa o higit pang tao na magkakilala, nagkakaintindihan at may koneksyon.

Nabubulagan ka lang sa emosyon mo kung iniisip mong walang nagmamahal sayo dahil heart-broken ka. Kailangan mo lang imulat ang mga mata mo ng mabuti. Malay mo magulat ka sa dami ng taong nagmamahal pala sayo.

(Source: eriannmeri)

embracing your friends

one way to comfort a troubled friend is to give him a warm hug..

kanina, sinorpresa ako ng mga kaibigan ko. dahil sunday, habit na namin ni Cha ang magsimba ng sabay. sabi niya sakin, samahan ko daw muna siya sa barangay hall dahil inaayos pa niya yung documents niya.

hindi ako pumasok agad sa barangay hall, takot kasi ako. naalala ko kasi yung time na nagreport ako dun dahil na-snatch yung phone ko dati. traumatic yung experience. pinuntahan ako ni Cha sa labas. sabi niya di pa daw siya tapos sa paglakad ng papers niya so naglakas loob na lang akong sumama sa kanya.

pagpasok sa loob ng barangay hall, nakita ko yung mga dabarkads ko. di ko inexpect na nandun sila. di nila sinabi sakin na magkikita kita kami today. wala kasing nagtetext sakin.

“alam mo ba kung bakit nandito kaming lahat?” sabi ni Cha.

ako: “hindi eh.. bakit nga ba?”

cha: “try mo hulaan..”

actually may kutob na ako nung nagpapahula na siya. that was the time to tell my friends kung ano nga ba ang problema ko.

nababawasan nga ang burden kapag shinare mo ang problema mo sa mga close friends mo. para bang sa time na nilalaan nila sa pakikinig nila sayo, nababawasan ang bigat na nararamdaman ng loob mo.

my friends never fail to make me laugh. kahit na umiiyak na ako kanina, natatawa pa rin ako sa bawat banat ng jokes nila. kapag kasama ko talaga sila, para akong baliw. oo nga’t umiiyak ako dahil sa problema pero may mga tao na handang magpatawa sakin kahit gaano pa ka-corny ang jokes na ibabanat nila.

sabay sabay nila akong binigyan ng warm hug. nung time na yun, parang lalo akong maiiyak, hindi dahil sa sadness kundi dahil sa kasiyahan. kumbaga, tears of joy.. knowing that you have friends to comfort you when you feel sad.

pumunta kami sa church sandali para mag-pray. i thank God na binigyan niya ako ng mga kaibigan tulad nila.


(itsura ko habang pinagpe-pray sila.. nasa labas lang kami kasi andaming tao sa loob, wala na kaming pwesto.)

(Source: eriannmeri)