Childish
Boyfriend and I went to UP Diliman’s tiangge. I asked him to go with me so I can buy some gifts for my inaanaks (marami kaya may ‘S’. haha!)
As we were looking for some stuff to buy, Bernard saw this Angry Bird-wachamacallit-lighting stick. It costs 50pesos if you buy 2 of it, and 30pesos for retail. At dahil isang pamangkin lang niya ang pagbibigyan, sakin napunta yung isa.

Isip bata naman daw ako kaya bagay sakin yung angry bird chorva ekek na binili niya. Sabagay, madalas talaga nagiging childish ako lalo na kapag nakakakita ako ng mga bagay na cute, pero hindi naman fit sa age ko. Pambata nga kasi tapos antanda ko na para sa mga ganun.
Okay lang, di pa naman ata ako mukhang matanda masyado. Sabi nga ng iba sakin, di pa raw ako mukhang 20. Dahil nga kasi di na ako tumangkad tapos di pa ganun ka-mature itsura ko. hehe!
Lahat naman tayo dumaan sa pagkabata eh. Yung iba lang talaga di maiwan-iwan ang pagiging isip bata. Masarap kasi maging bata, para bang wala laging problema. Laro, kain, tulog lang ang madalas na alam at gawin.
(Source: eriannmeri)




12.19.11 @ 01:32