Dear Daddy-yow,

Masaya ako ngayon kasi nagkaron tayo ng bonding time.. :)

Kanina lang ulit tayo nakapagkwentuhan ng matagal noh? Nakikipagkwentuhan ka sakin habang nagda-drive ka. Natawa ka sa kwento at jokes ko. Kelan nga ba yung last time na nagawa natin yun?

Sabi mo pa, “Kakain tayo mamaya sa McDo ah? drive thru!”
Ako: “Weh? totoo?”
Papi: “Sus, ayaw pa maniwala.”

Para akong bumalik sa pagkabata. 20 years old na ako pero feeling ko nasa teenage years ako. Nostalgic. Namiss ko rin kasi yung ganun. Medyo nawalan na rin kasi tayo ng chance magkaron ng constant communication simula nung nag-away tayo dati.

Pero kanina, iba e. Kumain tayo gamit ang iisang plato lang. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, ikaw pa yung nagpapakain sakin. We talked about cars. Naalala ko tuloy nung boyish pa ako. Gustong gusto ko yung mga kwento mo about your life abroad and yung mga cars na nabili mo nun. Tapos nilibre mo pa ako ng empanada. Favorite ko yun e. Antakaw ko kanina.

I miss my childhood days. Yung time na ikaw yung nagpapatulog sakin. Ikaw yung kalaro ko kahit pa lutu-lutuan yung mga toys ko. (Naging Chef ka naman sa Taiwan kaya applicable rin sayo yung nilalaro ko. hehe!) Tapos yung time na pinakikinggan natin yung Michael Jackson CDs na binili mo. Sinasabayan ko pa kantahin yung “heal the world.”

Pa, dalaga na yung unica hija mo. Di man siya tumangkad, nagkaboyfriend naman. (haha! joke) Pero kahit ganun, ikaw pa rin yung favoite niyang magluto ng spicy noodles. Ikaw yung unang lalakeng minahal niya. Ikaw yung unang lalake na nakita niya nung inilabas na siya nung doctor sa nursery room.

Sa totoo lang.. duwag ako. Matagal na matagal na yung huling sabi ko ng “I Love You Pa”.

Kahit na ganun, labidabs ko talaga tatay ko. Gusto ko pag kinasal ako, siya yung maghahatid sakin sa altar. Tapos sasabihin niya sa mapapangasawa ko, “ingatan mo yung prinsesa ko, nandyan lang sa tabi yung airgun ko.”

I WABYU MY DADDY-YOW! :D

  1. eriannmeri posted this